Ito ay kalipunan ng mga pinagsama-samang sipi buhat mismo kay Kuya Poklong.
* Hindi
kinakailangan pumasok sa isang relasyon para ikaw ay magmahal, ang
mahalaga matuto kang pahalagahan ang mga taong nagpapasaya at
nagpapahalaga sa iyo kahit sa maliit na bagay lamang, ang pag-ibig ay
hindi lamang nabubuo dahil sa RELASYON, ang INSPIRASYON ang nagtuturo
sa atin kung paano magmahal kahit sa pinaka simpleng pamamaraan.
* May
mga bagay na mahirap paniwalaan na alam mo hindi mangyayari pero
magugulat ka na lang nandyan na pala.. kung dumating man , pahalagahan mo
dahil maaaring maging panandalian lamang iyan... isipin mo na bihira
lamang makakita ng taong hanggang sa huli ay nasa tabi mo, ang iba
tumambay lang para mag-iwan ng kalat na mahirap linisin..
* Ang tao di dapat i treat na pag aari...i treat mo sya kung ano sya ...pahalagahan mo kasi kapag inari mo yan, diyan nagsisimula ung di pagkakaintindihan.. masasakal kaung pareho pinakamahalaga sa relasyon ang pagtitiwala.
* May
mga taong di marunong magpahalaga sa damdamin ng iba lalo na sa mga
nagmamahal sa kanila, darating ang araw na mararanasan mo rin kung paano
masaktan dahil sa pagbabalewala ng mga taong inakala mong nagmamahal sa
iyo.
* Malayo
man ako ngunit ang PAGTITIWALA at PAGSASAKRIPISYO ang magiging tulay
upang sa kabila ng malayong agwat sa pagitan natin patuloy mong
maramdaman na nasa tabi mo lamang ako.
*Mahirap lumaban kapag di mo alam kung sino ang kalaban mo pero mas mahirap lumaban kung ang taong ipinaglalaban mo ay biglang susuko agad.
* Ang
pagmamahal ng isang tao ay hindi nasusukat sa pamamagitan ng mga bagay
na ibinibigay sa kanya, bagkus ang sukatan ay ang SAKRIPISYONG IPINAKIKITA
sa mga bagay na naibigay kahit maliit lamang. Ang tunay na PAG-IBIG ay
wala sa BAGAY kundi nasa TAGLAY na SAKRIPISYO.
* Ang
kakayahan at abilidad ang siyang maghahatid sa iyo sa tagumpay, ngunit
ang katangian at kabutihan ng pag-uugali ang susi upang manatiling
nakasandal sa tagumpay na nararanasan.
* Sa likod nang bahid na katotohanan may natatagong sakit na nararamdaman,
sa likod ng natatagong pag-aalala sumisilay ang ngiti nang
pagpapahalaga, sa likod ng lihim na kirot, may lunas na nakalaan
pagdating ng tamang panahon.
* Hindi na kailangan maghanap ng iba kung ikaw ang dahilan kung bakit ako ay NAGMAMAHAL.
* Matutong
pahalagahan ang mga taong nagmamahal sa iyo, hindi sila tulad ng
tsinelas na kapag naluma ay marapat ng palitan bagkus habang tumatagal
alalahanin ang mga bakas na pinagdaanan na nagpatatag sa inyong relasyon
Bihira lamang makita ang mga taong maaaring sumabay sa iyo hanggang sa
kahuli-hulihan.
* Hindi ko man mapantayan ang mahalagang tao na naging bahagi ng buhay mo, umasa ka pananatilihin ko ang respeto sa PAGKATAO mo.
* Sa
mga taong nakasasalamuha at nakakausap doon ako nagkakaroon ng
inspirasyon para magawa kong maisulat ang bawat KARANASAN na alam ko ay
maaaring magsilbing aral sa bawat isa.
* Ang
pinakamagandang istorya na maaaring maisulat ay hindi ang mga
napapanood sa mga pelikula o telebisyon, kundi ang totoong kuwento na
TAYO MISMO ANG BIDA.
*Ang
lakas ng pag-iisip na kontrolin ang anumang galit na namumuo sa dibdib,
ang tamang pagharap sa responsibilidad, at kung pano ka manindigan sa
iyong paniniwala lalo na sa pagsisiwalat ng katotohanan ang siyang
tunay na kahulugan ng katapangan.
* Ang
kalakasan mo kapag nakaharap ka , pag nakatalikod yun ang kahinaan,
kaya pag ikaw ay naglalakad wag patalikod, wag paharap kundi patagilid.( hehehe)
* Ang paggalang sa reputasyon ng isang tao ay hindi hinihingi ito'y dapat kusang ibinibigay kaya nga dapat matuto kang alagaan ang reputasyon mo para
kahit ano pa ang pagkatao mo andun pa rin ung respeto sa iyo.
* Huwag
mo lamang tignan ang ginagawa ng taong mahal mo para sa iyo, bagkus sa
bawat sakripisyo na binibigay nya MATUTO kang PAHALAGAHAN ang lahat ng
iyon, dumating man ang panahon na maghiwalay kau ng landas at magkita sa
oras na hindi inaasahan mananatili pa rin ang RESPETO sa isat isa.
* Ang
tunay na kaibigan ay hindi yung taong kasama mo sa kasiyahan, kundi ang
nakapagbibigay sa iyo ng kasiyahan. Hindi ang kasama mo
kapag ikaw ay nalulungkot,bagkus ang nagpapawala ng iyong kalungkutan.
Ang kaibigan ay hindi ang sumbatan ng mga problema, kundi ang tumutulong
upang pasanin ang bigat sa iyong kalooban.
* Huwag
kang makuntento sa kung anong kaya mong gawin, may mga bagay sa sarili
mo nakatago pa at kung bibigyan ng panahon para tuklasin ito, makikita
mo na ang mga bagay na inakala mo na kaya mo lang gawin ay hindi pa pala
sapat kung ihahalintulad sa bagong tuklas na kakayahan.
* May
mga pagkakataon na hindi umaayon ang panahon sa atin. Minsan kailangan
mong lumihis ng daan baka sakaling naroon ang ihip ng hangin para sa
atin.
* Sa
pagsusulat hindi kailangan ang mga salitang malalalim na mahirap
maunawaan ng mga mambabasa, ang mahalaga kahit sa simpleng paggamit ng
salita naihahatid mo sila sa tunay na damdaming nakapaloob sa kanilang
binabasa.
* Maraming
hindi nakauunawa sa mundo na ginagalawan ng mga KABATAAN, hindi dahil
sa mahirap silang intindihin, kundi hindi sila binibigyan ng pagkakataon
na MAINTINDIHAN.
* May
mga taong nakararanas na masaktan at mabigo ngunit mas piniling
manatiling nakadapa hindi dahil sa hindi nila kayang tumayo o lumaban,
kundi nais nilang maramdaman ang haplos ng kamay ng isang taong tunay na
nagpapahalaga sa kanila, na sa kabila ng kanilang pagkakadapa, di sila
pababayaan at mananatiling magkahawak-kamay, anuman ang mangyari.
* Kapag nagmahal ka huwag mong tignan ang EDAD kundi ang KAPASIDAD nyang magmahal ng TOTOO.
* Hindi mo kailangan gawin lahat para maging masaya, kailangan mo lang pahalagahan yung nagpapasaya sa'yo.
* Alam ko na kasama sa ganito ang sakripisyo pero hanggat maari dapat pareho tayong magsasakripisyo para balanse...basta kaya nating dalhin to tuloy-tuloy na to kung ang baha ay pwde pang pigilan ito hindi na.
* Huwag
mong katakutan ang alam mong mangyayari. Darating ang oras na lahat
tayo makararanas ng kamatayan. May mga nauna na at maaaring bukas tayo
naman ang susunod. Wag matakot bagkus magkaroon ka ng lakas na loob na
paghandaan ito. Pahalagahan ang bawat minutong nagaganap sapagkat
darating ang sandali na titigil din ang orasan ng ating buhay.
* Lahat tayo may kakayahan magsulat, lalo na kapag
tungkol sa ating mga karanasan. Ganyan din ako sa una, ang kaunting
salitang sinusulat, di ko namamalayan na nakakabuo na pala ako ng
isang pangungusap, at ang pangungusap na yan na pinagsama-sama ay nagiging isang talata. Lahat ng bagay
malalaman mo lamang kapag sinimulan mong gawin iyon.
* Ang
tao bagamat may sariling pananaw ukol sa mga bagay na may kinalaman sa
kanya ay hindi magiging ganap ang pagkatao kung padidikta lamang sa kung
ano ang sinasabi ng kanyang kalooban. Mahalagang pakinggan din ang
sinasabi ng iba tungkol sa kanyang sarili upang lalo niyang masalamin
ang kanyang buong katauhan.
* Sa baway daloy ng tubig may mga batong nakaharang, pero kahit gaano mang
kalaki ang batong yun, kung patuloy na sasabay sa agos at di hihinto,
ang hantungan nun ay malawak na karagatan na magdudulot ng kaligayahan
at kapayapaan.
* Huwag
kang makuntento sa kung anong kaya mong gawin, may mga bagay sa sarili
mo nakatago pa at kung bibigyan ng panahon para tuklasin ito, makikita
mo na ang mga bagay na inakala mo na kaya mo lang gawin ay hindi pa
pala sapat kung ihahalintulad sa bagong tuklas na kakayahan.
* Kapag
nagmahal ka, wag mong tignan kung anong meron sa kanya, bagkus tignan mo
kung anong kulang para malaman mo kung anong hakbang ang gagawin mo
para mapunuan anuman ang kakulangan nya. Hindi man kayo magkatuluyan,
ang mahalaga minsan ikaw ang naging dahilan kung bakit nya nakita ang
kabuuan ng kanyang pagkatao.
* May
mga taong dumarating sa buhay ntin na hindi inaasahan, minsan magugulat ka nasa
tabi mo na yung hinahanap mo nakapasok nang di namamalayan. Wag mtakot,
dapat mging handa at magkaroon ng lakas na loob anuman ang maaari nyang
iwan o gawin sa iyo. Kung hndi man mganda ang iniwan nyang bakas , maging positibo ka, dumaaan lang yan para turuan ka kung ano ang
nararapat na gawin sa susunod kapag may dumating na panibago.
* Hindi lahat ng tao naiintindihan ang tunay na AKO...pero anumang salita ang idikit sa pangalan ko, ito lang ang masasabi ko: "HINDI KO OBLIGASYONG IPALIWANAG ANG SARILI SA MGA TAONG HINDI ALAM ANG TUNAY NA PAGKATAO KO.
* Minsan ang pagkukulang ay wala sa taong nagbibigay… kundi sa isip na lang ng taong binibigyan.
* Sa
pagmamahalan di mahalalaga ang nakaraan kundi ang kasalukuyan, di
mahalaga ang itsura kundi ang ugali, hindi rin ang edad , kundi kung
paano mo siya TINANGGAP sa puso mo na walang pag-aalinlangan.
* Makikita
mo kung gaano ka kamahal ng isang tao sa mga bagay at sakripisyong
ginagawa niya at hindi sa mga salitang binibitawan niya tulad ng
katagang "mahal kita". Ano ba pinanghahawakan mo na nagpapakita ng
pagtitiwala ng taong mahal mo? ang salita nya ba o mga bagay na ginagawa
nya para sa iyo? Mas makabubuting timbangin muna ang sitwasyon bago
magbigay ng KONKLUSYON.
*Magdesisyon ka hindi dahil sa gusto mo, kundi dahil alam mo na yun ang
ang tama kahit alam mong masasaktan ka. Dahil sa bandang huli, makikita
mo na tama ang ginawa mo at magkakaroon ka ng kapayapaan sa iyong sarili.
Hindi mo kinakailangan ng isang tao para makapag move on dahil maaaring ginagamit mo lamang siya panakip sa nauna, ang dapat mong gawin ay tanggapin sa sarili na wala na siya sa sa iyo, kung kayat kailangan mong maghanda para sa bagong darating.