Ngayon ko lang nalaman ang tungkol sa Pinoy Ekspats/OFW Blog Awards ( PEBA) kung hindi ko pa nakausap ang isang kaibigan na tulad ko parehas rin na narito sa Kuwait, ( Animus, last year winner sa PEBA awards ) hindi ko alam na mayroon palang nagpapahalaga at kumikilala sa galing at husay ng mga manggagawang Pilipino na nagtatrabaho sa ibang bansa kung ang pag uusapan ay tungkol sa mundo ng blogging.
Isang pagpupugay at kahangang - hangang pagkilos para sa mga taong nakapag-isip, sama samang nagbuo upang maitaguyod ang PEBA. Ito ay nagsilbing tulay upang sama-samang makatawid ang mga pilipinong nasa iba't ibang panig ng mundo gamit ang kanilang panulat para maihatid ang kanilang tunay na saloobin. Magkaiba man ng paniniwala o paraan ng pagpapahayag ang maging tema ng kanilang panulat, ang mahalaga ay ang kalayaang maisatinig anuman ang kanilang nais maiparating.
Kung paanong ang isang salita ay nagiging pangungusap at ang pinagsama-samang pangungusap ay nagiging isang talata o kuwento na nakabubuo ng isang paksang maaaring mag iwan ng aral sa mga mambabasa, ang PEBA ay naging isang tambayan ,at di kalaunay naging isang tahanan ng mga mangagawang Pilipino na sama-samang inihahatid sa pamamagitan ng panulat ang kalagayan, karananasan at pakikipagsapalaran bilang mga Overseas Filipino Workers.
AllBlogToolsFacebook comments for blogger brought to you by AllBlogTools.com , Get Yours?
No comments:
Post a Comment