Paano nga ba masusukat ang kahulugan ng salitang PAG- IBIG ? Sinasabing ang sukatan ng pagibig ay ang pag ibig na walang sukat. Masyadong malalim wika nga ng iba, kung kayat marahil ang iba ay naliligaw at nagkakaroon ng pagkalito na nagiging dahilan ng pagkabigo ng nakararami sa atin.
Sa maraming taon na pagtuturo at pakikipagsalamuha sa mga kabataan, kapag ito ang naging paksa ng usapan, nakikita ko sa kanilang mata ang ibat ibang reaksyon. Ang iba ay nakikinig lamang at hindi nagbibigay ng opinyon sa usapan pero ramdam ko na lumilipad ang kanilang diwa at pilit na pinag-iisipan ang mga pagbabahagi ng iba. May mga kabataan na masyadong aktibong nakikipagpalitan ng kuro-kuro at opinyon marahil dahil na rin sa kanilang mga karanasan.Sa huli, pagsasama-samahin ko ang kanilang mga pagbabahagi at pipiliting maiguhit sa kanilang isipan ang tunay na mukha ng PAG-IBIG.
Tulad ng mga nakagawian, sa kalagitnaan ng usapan, ipakikita ko sa kanila ang isang krusipiho at itatanong sa kanila, Ganito ka ba Magmahal ?
Walang-pag-ibig na hihigit pa sa pag-ibig ng isang taong nag-alay ng kanyang buhay para sa kaniyang mga kaibigan…
Kapag nagmahal ka hindi dapat maging basehan lamang ang damdamin. Sapagkat ang damdamin ay nagbabago. Kung titignan natin, tinuruan tayo ni Hesus kung paano magmahal sa pamamagitan ng pag-aalay nya ng Kanyang sarili sa krus doon sa bundok ng kalbaryo.Hindi Siya nagmahal na ang naging batayan lamang ay ang kanyang pakiramdam bagkus ito’y buong pagkatao Niyang ibinigay at ipinakita sa atin.
Bilang paggunita sa mahal na araw, nawa’y taimtim tayong magnilay-nilay at makatulong ang video na ito na mapapanood sa baba upang makita natin ang tunay na kahulugan ng salitang PAG-IBIG…
AllBlogToolsFacebook comments for blogger brought to you by AllBlogTools.com , Get Yours?
tingin cui kua jei, mg ingat nlng tau sa kslanan ntin, tama nah cguro ung isa o dlwa wag nah nting dagdgan p ung mga kslanan nah gngwa ntin sa araw-araw,kng buhay nah aku nung tym nah yan, kht aku nah ang ipako sa krus o mg buhat ng krus, pa2yag aku, kht cnu aman, kapwa kristyano, natural lng nah ngtutulungan, kht nah ibang relihiyon p yan, dpat tulungan ang nangangailangan,
ReplyDeletekea naung holy thursday, sumama taung lhat sa alay sa antipolo, pra kht mnsan sa buhay ntin, mranasan nting ang pghi2rap nya pra sting lhat, try din nting mg tikatika, pra nmn mbawasan ung mga kslanan ntin.