Iba’t ibang kwento ng pakikipagsapalaran ang ating naririnig
mula sa mga katulad kong mangagawang pinoy sa ibayong dagat. Minsan ang simpleng
kuwentuhan ng mga OFW ay nauuwi sa pagbabahaginan ng mga karanasan. Ang iba
naman ay sadyang pinagtagpo ng panahon, nagkita sa isang hindi inaaasahang
pangyayari ngunit nakapag- iiwan ng aral sa isip at damdamin ng bawat isa.Na-engganyo ako na isulat ang maikling pakikipag-usap sa isang
kabayan natin na nagtatrabaho bilang kasambahay dito sa bansang Kuwait. Kakaiba
kasi ang kuwento niya at kung malalaman lamang ng mga mahal niya sa buhay lalo
na ng kanyang mga anak ang kanyang ginawa marahil lalo nilang mapapahalagahan
ang sakripsiyo ng kanilang ina .
Nakita ko si kabayan na nakapila para magpadala ng pera sa
pinas. Paglapit niya sa akin binigyan ko siya ng isang maliit na papel upang
isulat kung saan at kanino niya ipadadala ito. Habang nagsusulat tinignan ko si
kabayan mukhang nakalimutan niya na magsuklay
ng buhok, palihim akong napangiti. Ganun talaga kasi karamihan sa mga
kasambahay hindi na makapag-ayos ng kanilang sarili dahil sa kasabikang makalabas. Karamihan kasi
sa kanila ay hindi pinapayagan ng kanilang amo na makalabas.Ang iba nga na
kadama rito amo pa nila ang nagpapadala ng pera para sa kanila. Maya-maya pa ay
iniabot na sa akin ni kabayan ang papel na binigay ko sa kanya. At doon
nagsimula na mag kuwento si kabayan.
“ Alam mo Kabayan, ayaw pa nga talaga ibigay ang sahod ko ng
amo namin, gumawa lang talaga ako ng paraan.”, wika ni kabayan sa akin.
Bakit naman, kailan ba kayo pinasasahod? Ang tanong ko.
“ Sa a singko pa dapat pero kabayan kailangan talaga ng anak
ko dahil sa eskwela saka mapuputulan na raw sila ng kuryente", ang sagot ni
kabayan sa akin.
“Ganun ba. Buti naman binigay agad ng amo mo yung sahod mo.”
“Kabayan kundi pa ako umiyak di nya bibigay sahod ko.Ang
ginawa ko nilagyan ko ng katas ng sibuyas ang mata ko para talagang
makita niyang may luha at baka sakaling maawa sa akin” ang nangingiting sagot
ni kabayan.
Sa puntong iyon, di ko alam kung matatawa ako o kaya maaawa
kay kabayan. Kakaiba ang istilo niya
pero nakatatawa man di maiaalis ang katotohanan na ang ina gagawa at gagawa ng
paraan para sa kanyang mga anak. Simpleng istorya ng isang OFW na nagpapakita
ng tunay na pagsasakripisyo para sa kanyang pamilya. At ang naging puhunan
niya ay ang KATAS NG SIBUYAS.
ganyan talaga ang buhay bro, may nakilala din ako sa al khobar dati when i was wrking there. Ang ginawa naman nya habang kausap nya immediate boss nya, ung hinlalaki sa paa nya sinadya nyang ipit sa table para tumulo luha nya hehehheh ..... ibang ofw nga baon sa utang dahil di kasya ung sahod nila.. ..kami naman dati sa al khobar namumulot kami ng can tapos iniipon namin sa isang sako tapos pag puno na saka namin ibenta. Tapos minsan, namumulot kami ng mga fruits na tinatapon sa basurahan...hehhhehe mga arabo kasi pag may kunting sira na kagaya ng watermelon o mga grapes na may kunting deperensya tinatapon na ....kami naman nako unahan hahahhaahah yon lang kadiri pero ginawa namin...
ReplyDeleteang pinoy talaga no, daming paraan hehehe kaya nga hanga ako sa mga ofw sana man lamang makita at maramadaman ng mga pamilya nila ung sakripisyo nila. ingat ka lagi at god bless
ReplyDeletekahanga-hangang Pinay i like the story
ReplyDeleteParang ayaw ko nang umalis ng pinas :")
ReplyDeletebuti kamo alam u ang katas ng sibuyas sana maicip u yan rodel.yong pera na kinain u katas yan ng pawis ko diko yan nakaw.sana maalala u.nag tiis ko di2 sa kuwait nag tipid kc may pangarap ko sa kapatid ko na maka punta di2 sa kuwait.piro anong ginawa u sinira mo ang kina bukasan ng kapatid ko yong pera na bigay ko sayo para sa vesa ng kapatid ko kinain u ginastos u (54,ooo)pisos rodel san ko yan
ReplyDeletehahanapin ulit.sana may kunsinsya ka balik u yang pera nayan.
nong nakuha muna ang pera ko bigla kang nawala tawag ko ng tawag di u na sinasagot yon pala umuwi kana sa pinas....kong gaano ka magaling mag gawa ng kuento ganon ka din kagaling mangluko sa kapwa u....mangluluko..............ka rodel jaboli mancera....
ReplyDelete