Habang binabalot ng dilim ang buong paligid agad akong nagmamadaling
tumakbo patungo sa bintana ng aming bahay upang doon masaksihan ng
aking mga mata ang unti-unting pagyuko ng araw at ang pangingibabaw naman ng karimlan.
Manghang-mangha ako sa aking nasasaksihan.Lalong nagpapatindi ng aking
pagkasabik ang unti-unting paglitaw ng mga mistulang alitaptap na nakakalat sa kalangitan.
Sabik na minamasdan ang bawat pag indayog ng mga ito at sa bawat kislap na
pahapyaw na nakasisilaw sa aking paningin, kuminang sa aking isipan ang kasabikan na balang araw
ay maging tulad nila na marating ang kalawakan at sumabay sa kanilang
pagtatanghal.
Nagsimula akong mangarap, gusto kong abutin ang kalangitan
at makisabay sa pagsayaw ng mga bituin. Ngunit hindi pala ganoon kadali. Ang
alam ko noong una ay nasasabik ako na mamasdan sila dahil sa liwanag na
taglay at sa taas ng kanilang kinalalagyan.Hinangad ko na maging kasing tayog
nila upang makita ko ang kabuuan ng mundo. Ngunit may isang bagay pa pala na
dapat kong gawin bago makasabay sa
kanilang pag-indak, kailangan ko munang yakapin ang dilim.
Lalamunin lamang ako at matatabunan ng anino ng kadiliman
kung ako ay magpapadaig sa kulimlim ng gabi. Hindi ko magagawang maipakita ang kislap
na taglay ko kung mananaig sa akin ang takot at pangamba dulot ng pagluksa ng
araw. Kinakailangan kong maging matapang at ipakita na kaya kong
sindihan ang ilaw na hawak sa kabila ng
pangingibabaw ng kadiliman. At kahit dumating ang sandali na aandap-andap ito,
di ako susuko patuloy ko itong pagniningasin upang hindi magpadaig sa malamlam na gabi. Alam ko na
makakaya ko ito. Di ko bibiguin ang pangarap ko na makasabay sa PAGSAYAW NG MGA BITUIN.
astig!i love the metaphor!
ReplyDeleteKalalem naman po.. ehehehe. Pero maganda ha. Hanga po ako, lalo na at ako'y hindi gaanong hasa sa pagsusulat ng tula sa tagalog.. :)
ReplyDeletemangarap ka lang... libre mangarap! pero ang pangarap na may gawa.. siguradong may kapalit na biyaya. Magandang Umaga po :)
ReplyDeletehello, poklong,
ReplyDeleteang ganda naman dito. nagustuhan ko ang mga linyang ito, "may isang bagay pa pala na dapat kong gawin bago makasabay sa kanilang pag-indak, kailangan ko munang yakapin ang dilim."
nakikiraan lang po. happy new year sa iyo at mga mahal mo sa buhay. :]