MGA KUWENTO SA LOOB NG....
Iba na ang generation ngayon masyado ng moderno, epekto ito marahil
ng makabagong siyensa sa mundo. Dati rati mga kagamitan lang ang
nagiging high tech, now pati ang paraan ng pakikipagsalamuha sa tao
masyado ng social at class, nauso na dati ang friendster now may
facebook na at may twitter pa hehehe. Mapa bata, teenager, matatanda at
yung mga nag pi feeling bata pa rin ay nahuhumaling na sa mga ganitong
uri ng social networking. Lahat ata na aadik na sa net
lalo na sa pag cha-chat at kapag hindi ka sumunod or makiuso sa trend
ngayon iisipin mo baka ikaw ay out of this world. Kung dati rati
masyado tayong makilatis sa mga taong ating nakasasalamuha, ngayon sa
isang pikit lang at kahit di mo pa nakikita sa personal yung tao thru
facebook photos lang abay instant super close na agad kayo ( tamaan wag
magalit ) Halina at samahan nyo ako maglakbay para makilala natin ang
ibat ibang katauhan na nakakasabay nating tumambay para ngumiti,
humalakhak, umiyak at magbahagi ng karanasan gamit ang chat rum mapa
facebook man,skype or yahoo messenger...
EMO LASLAS- Pamilyar ba name ni emo sa inyo? dami rin nilang code name, me lonely girl/boy, emotera/emotero, Im alone, Emo Dark atbp. Agaw eksena kasi tong si Emo masyadong ma emote daig pa si nora at vilma sa kadramahan sa buhay.Walang bukambibig sa chat rum kundi magsabi ng mga problema nya at tingin nya sa sarili niya siya lang ata nag iisang tao sa mundo at pasan nya ang daigdig ( KAW NA SI ATLAS ) lagi nya bitbit ang larawang may laslas na pulso para kaawaan siya ( kaya nya ba talaga gawin un? ) at ang nakakatawa pa paulit ulit nyang sinasambit na pagod na siya, at ayaw na niyang mabuhay hmmmm gusto na ata mahimlay na sa norte or libingan ng mga bayani ...hay buhay nga naman.. Emo di lang ikaw ang tao sa mundo kaya SMILE ka na lang ok ...
FIL COH- Siya si feeling... Fil pala, dami nilang kinakabit sa mga name nila me cute, gwapito, lovely, beauty, sweetie pie, honey, atbp . Para sa kanila pinapaniwalaan nila ung sinabi ng nanay nila noong bata pa sila na sila lang ang maganda at gwapo. Feeling mga star mga ito sa loob ng chat rum kaya nga madalas kainggitan ng mga walang mukha ( tao ba un?) Dahil sa angkin nilang kagandahan/ kagwapuhan feeling nila sila sina Marian at Dingdong na hinahabol- habol... ( pa autograph nga ) hmmm wait nga totoo ba yang pic na gamit nyo? baka naman ninakaw nyo lang yan sa iba ah...Kunsabagay lahat nga nagagaya na picture pa kaya, sama mo pa ung pag edit hahahaha... kaw FIL CO ka ba?
DES PERADA- Grabe naman ang eksena nitong isang ito, lahat ay gagawin para makahabol sa huling biyahe. Lahat kasi ng mga kaibigan niya nakapag asawa na siya na lang ang naiiwan at mukhang nilulumot na sya ng panahon. kaya nga kapit sa patalim na ang taong ito at laging laman ng mga internet cafe at baka sakaling makabingwit ng foreigner na mapapangasawa .Naiinggit siya sa mga kaibigan nya na nakapag asawa ng stateside dahil sa facebook at ym ( amoy snow ba or amoy lupa na ). kaya nga si DES always present sa internet cafe, siya na ang opening sya pa rin ang closing hahaha...
- ASTIG- TBS, gangster, at kung ano- ano pang grupo ang pinangangalandakan ng mga taong ito. Astig nga kung tawagin.. Pinagyayabang nila yung kanilang fraterniy na inaaniban. Sa sobrang tapang nayayanig buong chat rum sa kanila. Matapang nga ba? baka hanggang chat lang sila... palibhasa walang papatol sa kanila dahil chat rum lang to naku luma na style nila na maghamon ng suntukan sa chat hahaha sa personal naman bahag naman ang mga buntot. Pero kung talagang matapang nga sila ma recommend nga sila kay PNOY na sila dalhin sa Mindanao para pulbusin ang mga abu sayaf... ( ano sa tingin nyo mga friends? ) Instant bayani pa sila...
FIX ME- You really know what to do, your emotional tools can fool can cure any fool whose dreams have fallen apart FIXING A BROKEN HEART... remember nyo to mga ka facebook? ito ung theme song ni FIX ME. Lagi sya na sa chat rum para maghanap ng mag kukumpuni ng sawi nyang puso ( Aray ko ) wala syang ginawa kundi mag type ng ganito huhuhuhu... hmmm may luha nga ba talaga? Lagi kasi sya niloloko ng bf/gf hayan tuloy need nya i FIX... sino available jan?
PAT AWA- daming ganito sa facebook at maging sa ym. Sila ang entertainer sa chat rum tagapagbigay ng aliw sa mga chatters na nalulumbay kahit magmukhang baliw ( baka nga talaga) Marahil ok lang sa knila ang bansagan ng ganun ang mahalaga mapatawa nila mga kausap nila... san ba natatawa sa joke nila o sa mukha nila? anyway ok namn sila wag lang masobrahan dahil baka sa mental sila makarating...
POPOY AND BASHA- " Kaya tayo iniiwan ng mga taong mahal natin ay may darating mas magmamahal sa atin, yung hindi tayo sasaktan at paasahin, yung magtatama ng mga mali natin" panalo ang linya tong sa movie ng one more chance nila basha at popoy... sa chat rum daming popoy at basha mga tinaguriang lovers kahit sa net lang sila nagkakilala. Wala silang pakialam sa ibang chatters ang mahalaga nagmamahalan silang dalawa,wala silang bukambibig kundi babe, honey, tart, sweetheart, mahal , love atbp. hmmm wait nga baka naman sa personal may kanya -kanya kayong bf/gf naku ingat lang at baka pag nahuli yari kayong dalawa... baka imbes na itama ang mali... TAMAAN KAYO NG MALALAKAS NA SAMPAL galing sa mga totoong gf/bf nyo hahaha...
Tulad ko, alam ko nangingiti rin kayo habang binabasa nyo to... lahat kasi tayo mahilig mag chat at minsan naiisip rin natin na baka isa rin tayo sa kanila. Noong una ang akala ko ang pag cha chat ay pampalipas oras lang ngunit hindi natin namamalayan na sa ating pakikipag-usap marami na pala nangyayari. Na sa bawat taong nakakasalamuha natin sa facebook maging sa yahoo messenger ay may katauhang ipinapakita at sa loob ng chat rum nakatago ang kuwento ng kani-kanilang sariling buhay....
ayos to ah.. hahahah.. kahit hindi ako tambay sa mga rooms sa chat, madalas ko namang makita ito sa mga forums...
ReplyDeletehahahahah.. paano mo nalaman kuya poks na napapangiti ako... ganyan talaga sa virtual world... kanya-kanyang trip.. kanya-kanyang sapak... hahahahaha... nice nice kuya poks.
ReplyDeleteyan ang buhay sa chat eh kaya ka napapangiti shy dahil marahil isa ka rin na nasa taas tulad ko hahaha
ReplyDeletesalamat sa mga comments.. god bless...
mahilig akong magchat pero laging invisible!
ReplyDeletebaka kasi mahuli hehehe
hahaha kulit
ReplyDeletelahat ng tao naman ay ganyan eh....
ReplyDelete