Mga mata’y nakatingin sa bawat salpok ng alon sa
dalampasigan, inaaliw ang sarili habang natatalamsikan ng tubig ang mukhang larawan ng pagkabigo at kalungkutan.Hindi
niya akalain na iyon ang kahihinatanan ng kanyang pag-ibig. Ang inakala niyang
walang katapusang kaligayahan sa piling ng mahal sa buhay ay parang isang
daluyong na tinangay nang malalakas na hangin papalayo sa kanya. Kasabay ng
walang tigil na pagdampi ng alon ang pangingilid ng kanyang luha, ang mahinang
impit na daing ay naging
hagulgol at waring nakikipagsabayan sa
lakas ng ingay ng dagat. Nag uunahang
bumagsak ang mga luha sa buhanginan at sa pagpatak nito tuluyan na itong
nilamon at tinangay ng alon.
Bumalik sa alaala ang matatamis na pangako na ang piping saksi ay ang dagat. Habang hawak- kamay na
tumatakbo sa dalampasigan at nangarap na sabay na babagtasin ang dulo ng
karagatan. Walang bibitaw at magkatuwang na haharapin gaano man kalaki ang mga
batong nakaharang sa pagsuong sa lalim ng dagat. Ngunit tila kumunoy ang kinasadlakan
ng kanyang pag-ibig. Pinilit niyang sagipin ito at hawakan nang mahigpit para
di makahulagpos sa kanya ngunit ito na mismo ang siyang kumawala sa kanyang
kamay at tuluyang nagpatianod sa delubyo ng dagat. Wala siyang nagawa kundi
tignan ang unti –unting pagkakalayo nito sa kanya. Nais niyang lumaya sa dusang
naranasan ngunit patuloy na sumisiksik sa kanyang isipan ang mga kataga ng
pamamaalam na iniwan sa kanya ng kanyang mahal, na hindi kaya ng pag-ibig niya ang buhay na gusto
nitong maranasan.
Tuluyan nang napagod ang kanyang mata sa pagtangis. Lakas loob niyang isinigaw ang
kanyang hinanaing ngunit wala man lamang nakaririnig sa kanya kundi ang alon ng
dagat na abala sa pakikipaglaro sa malalakas na ihip ng hangin. Papalubog na ang
araw ngunit ayaw pa niyang umalis sa kanyang kinatatayuan. Nais niyang matapos na
ang pighati na kanyang nararanasan. Nais niyang makita ang pagtahan ng karagatan upang
makadama siya ng katiwasayan kahit panandalian lamang. Hindi siya aalis hanggat hindi nanahimik ang dagat.Kapag payapa
na ang lahat at kapag dumating na ang sandali na napagod na ang alon sa pag-indak, lilisanin niya ang lugar na iyon at iiwan ang luha ng pagdadalamhati upang kasamang matangay sa agos nang PAGTIKLOP NG ALON.
grabe ang lalim ng storya... galing mo tlaga magsulat.
ReplyDeletesalamat bola ka na naman hahahaha
ReplyDeletegrabe.. affected ako dito.. hehe Malalim at galing.. :)
ReplyDeletesalamat po iamzennia
ReplyDeleteAng ganda naman ng iyong katha! Hindi nakakasawang basahin. Galing!
ReplyDeletesalamat idol kita ka kiko hehehe
ReplyDelete