Huwag matakot… ako’y narito
Kapag nilukuban nang mapanglaw na
dilim ang kalangitan,
Sa pagtatakip ng anino sa talukap
ng matang may pangitain
Ako’y talang tatanglaw sa nanlalabong
kasulukan
Na magpaparikit sa lumbay nang
papatulog mong isipan.
Mangapa ka man sanhi ng pagkabulag ng kapaligiran
Kakanlungin kita upang mapanatag
ang naghihingalong kalooban.
Sa paghimlay sa aking mga bisig,
ating pintig magkakapisan
Sa pagkumpas ng mga pusong ngayo’y may ugnayan
Na nagpabigkis sa damdaming hindi mapaghihiwalay
ninuman
Dumaan man ang malalakas na unos na
nagpangatog ng katawan,
Balutin man ng lamig ang
nangangatal na iyong kalamnan
Ako’y kumot na na yayakap sa iyong nanlalamig
na katauhan
Upang pagningasin ang init na
papawi sa ginaw na nararanasan
Tiklop-kamay na ikukulong kita sa aking
mga bisig nang maramdaman
Ang haplos ng pangakong kailanman hindi ka bibitawan
Ilang bagyo man ang harapin, kahit ang
baha ay sukdulan
Malakas man ang hampas ng hangin,
ito’y walang takot na lalabanan
Magkatuwang na haharapin kahit
mabigat man ang pasan.
Huwag matakot… ako’y narito.
wow ang ganda poklong,,,,,, talagang ang ganda kahit nosebled ako sa mga ibang words. hehhehheheh
ReplyDeleteAng lalim mo pala magtagalog kuya poklong, hehehe! Very nice poem, tnx for sharing! =)
ReplyDeletesalamat sa inyo si anciro nagturo sa akin nyan hehehe
ReplyDeleteKung sana'y lahat ng tao'y maipapangako ang ganito sa kanilang mga pamilya, kaibigan, at iba pang mahal sa buhay, marami sa atin ang sasaya at hindi mag-aalanganin sa kanilang mga hakbang na gagawin tungo sa kabutihan.
ReplyDeleteMeron pa nga bang ganito kadakilang pagmamahal? Naniniwala akong meron. At kung sa tingin ng marami ay mahirap na itong matagpuan sa karaniwang tao, may nasa ITAAS na handang ibigay sa atin ang lahat ng ito.
kuya kaw ba talaga ang mismo gumagawa ng tula at ng kwento sa blog mo?? ANG gaganda po :))
ReplyDelete