Friday, June 10, 2011

Ang Ibon sa Palad ng Isang Musmos




Ikinulong sa rehas na bakal ang ibon na hinuli ng mga dayo mula sa ibang lupain. Dumanas  nang malalakas na hagupit  buhat sa mga kamay ng mga taong maiitim ang budhi. Lumatay ang sugat na nagpalala nang galit ng ibon sa mga dayuhang yumurak sa kanya.Pinilit niyang humulagpos ngunit ang mga paa’y tanikalang itinali sa isang sulok  nang madilim na hawlang kanyang kinasadlakan.Bagamat ginawang busabos,bumangon siya sa pagkakadapa at kahit paos ang tinig, umawit siya ng himno nang pagdadalamhati at nagbakasakaling may makarinig at tulungan siyang makawala. Ang madamdaming huni ng ibon ay nangibabaw sa kapuluan.Unti-unting  narinig na gumising sa  damdamin ng mga taong tunay na may karapatan sa lupang kanilang tinatapakan. Nakipaglaban upang maitaboy ang mga sakim na dayuhan at mabigyang laya ang naghihingalong ibon sa pagkabulid sa rehas.Tuluyan ngang nakalipad ang ibon dahil sa magigiting na taong nagtanggol at nagbuwis ng buhay para sa kanyang kalayaan. Nagsimulang maglakbay ang ibon sa himpapawid at nilasap ang dulot ng pagiging malaya.

Nakaramdam nang pagkahapo ang ibon at naghanap nang masisilungan. Sa pagkamangha, nakita niya na nagkakawatak-watak ang mga taong inaasahan niya na muling magtatanggol sa kanya laban sa anumang pagbabanta ng kasakiman. Oo nga’t malaya na siyang nakalipad sa palad ng mga dayuhang dati’y sa kanya’y bumihag ngunit mas nakatatatakot ang ngayo’y bumabalot sa kanyang katawan sapagkat hindi niya alam kung may nagmamalasakit pa sa kanya sapagkat pawang mga pansariling  kapakanan na ang naghahari sa lupang kanyang naging tirahan. Nangangamba siya na darating ang araw na bagamat siya’y nakalilipad  muling lalagyan ng tanikala ang kanyang mga paa tulad ng isang guryon na pinalilipad ng taong may hawak ng tali. Mas masahol pa ang magiging kahahantungan niya sapagkat  ang mga taong dapat kumikilala at  nagpapahalaga sa kanyang pagiging malaya ang siyang pipigil sa kanyang paglipad. Ang masaklap, gagawin siyang sunud-sunuran ng mga taong walang katakawan sa kapangyarihan.Habang pinipilit hanapan ng kasagutan ang tanong na bumabagabag sa kanya, hindi niya namalayan ang pagbuhos nang masaganang luha sa kanyang mga mata . Nasaan na ang mga magigiting na taong maaaring magtanggol at kikilala sa kanyang malayang paglipad. Mayroon pa bang magpapahalaga sa diwa ng paglaya?

Lumipad ang ibon bakas ang lungkot at paghihinayang sa kinahihinatnan ng lupang kanyang tinubuan. Pagod na pagod at hindi  alam kung saan makikisilong. Hanggang sa kanyang paglipad nakita niya ang isang bata na kumakaway sa kanya. Bumagal ang kanyang kampay at tinungo ang kinalalagyan ng munting musmos na ito. At habang papalapit, nakita niya itong lumulundag sa kasiyahan. Ibinuka  ng bata ang kamao nitong nakatikom upang malaya siyang makadapo sa kanyang palad. Naramdaman niya ang  mahinahong paghaplos ng bata sa kanya. Ingat na ingat upang siya’y di masaktan. Habang patuloy sa paghipo ang bata, nakadama siya ng ginhawa at doon tahimik na winika , na sana sa palad ng musmos na  ito magsisimula muling manariwa  ang pagmamahal sa kalayaan at lalabanan ang anumang banta nang kasakiman at pang-aabuso sa  kapangyarihan.

6 comments:

  1. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  2. another master piece of kuya poklong..

    ReplyDelete
  3. Isang inosenteng musmos ang siyang magiging tanggulan ng ibong sawi. Hindi pa huli ang lahat, hanggat may Pilipinong sumasariwa sa kalayaan, hanggat may dugong makabayan na nananalaytay sa ating kamalayan. Iwaksi ang kasakiman, kabilang pa rin tayo sa pag-asa ng Inang bayan.

    ReplyDelete
  4. Wow! your just too great in making things like this! miss you kuya rodel your one of a kind! mwah

    ReplyDelete
  5. ISA AKONG KABATAAN MULA SA SIMBAHAN NA MINSAN NARING PINAGLINGKURAN NI KUYA POKLONG. . " MAIHAHALINTULAD KO ANG MGA ARAW, PANAHON NA IGINUGUGOL NG MGA KABATAAN NG SIMBAHAN BILANG ISANG IBON. MALAYA, MAY KARAPATAN AT KAKAYAHAN. ITO ANG MGA BAGAY NA MINSAN NA RING IPINAMULAT SAMIN NG ISANG "KUYA" NA DI MATATAWARAN ANG IBINIBIGAY NA HALAGA SA BUHAY NG BAWAT TAONG MAKAKSALAMUHA NIYA. . . MARAMI AKONG NATUTUNAN KAY "KUYA," AT ISA SA MGA BAGAY NA PATULOY KONG PINANGHAHWAKAN NGAYON AY ANG PANINIWALA NIYA NA ANG PINAKAMAHIRAP PANGHAWAKAN AY ANG BUHAY NG TAO. ... SAKSI AKO SA KATAPANGAN, KATATAGAN AT MAGING KAHINAAN NI "KUYA". KUNG MAKIKILALA NIYO LAMANG SIYA, ISANG MALAKING KARANGALAN ANG MAKASAMA SIYA. SA KANYA AKO NATUTO SA REALIDAD NG BUHAY. 1ST TIME KONG MAKAPASOK SA LOOBAN NG ESTERO KUNG SAAN MARAMI ANG NANINIRAHAN. MASIKIP, MABAHO AT MAHIRAP PUNTAHAN. . PERO ANG LAHAT NG ITO AY NAKAYANAN KO AT NABALEWALA KO MULA NG MAMULAT ANG KAISIPAN KO NA HINDI DAPAT INIINTINDI ANG GANITONG URI NG MGA BAGAY, BAGKUS, DAPAT BIGYANG PANSIN ANG HIRAP AT TATAG NG MGA TAONG PATULOY NA NABUBUHAY PARA MASILAYAN ANG MAGANDANG BUKAS,. ISA SI "KUYA" SA NAGTURO SKIN NG HALAGA NG PAKIKISMA. . TOTOO NA KAHIT GAANO KABUTI ANG IYONG GAWIN SA KAPWA, MAYROON AT MAYROON PA RIN NA MAGTATAKSIL SAYO UPANG MAKAMIT LAMANG ANG POSISYON NA MAYROON SIYA. HINDI MAPAPALITAN NG PERA ANG ANUMANG KARANASAN NA NATUTUNAN KO KAY KUYA, ANG BAWAT NGITI, BAWAT HIRAP, BAWAT TAKOT, BAWAT TAGUMPAY AY KAILAN MAN DI MABUBURA SA AKING ISIPAN. PATULOY NAMING PINATATATAG ANG ANUMANG SINIMULAN AT INIWAN MO NUON. . . .=d DAHIL SAYO KAYA KAMI NANANATILI DITO, KAMI'Y MGA IBON NA BINIGYAN MO NG MASISILUNGAN AT DIREKSYON=D

    ReplyDelete
  6. salamat kung sino ka man di ka namn nagpakilala..; la akong idea sino ka gayunpaman maraming salamat sa u nakakaiyak naman message mo hehehe salamat talaga

    ReplyDelete