Ang awiting ito ay sumasalamin sa buhay ng isang inang OFW na napawalay sa kanyang anak. Habang pinakikinggan ang bawat liriko ng musikang ito, naalala ko tuloy ang aking ina. Malaki ang pasalamat at pagpapahalaga naming mga magkakapatid sa aming ina sapagkat sinamahan kami hanggang sa aming paglaki. Nanatili siya sa amin at patuloy na naramdaman ang kaniyang pagmamalasakit. Ngunit sa ibang mga ina na mas pinili na mangibang bayan at doon ay manilbihan, ramdam ko ang malaking sakripisyo na kanilang dinaranas. Labag man sa kalooban na iwan ang kanilang mga mahal sa buhay, lalo na ang kanilang mga anak, ngunit tiniis nila ang pangungulila at hirap upang kahit paano ay mabigyan ng kahit konting katiwasayan ang kanilang pamumuhay.
Nakakaantig ng puso ang awiting ito, lalo tuloy lumaki ang aking paghanga sa mga inang nakipagsapalaran sa ibang bansa para sa kanilang pamilya. Para sa mga inang OFW, kayo ay marapat na hangaan at ipagmalaki.
AllBlogToolsFacebook comments for blogger brought to you by AllBlogTools.com , Get Yours?
No comments:
Post a Comment