Saturday, June 4, 2011

Sa Muling Pagbukas ng Tala-Larawan







Balisang-balisa ako sa aking pagkakahiga. Napakarami  ng ginawa ngunit ayaw pa rin akong dalawin ng antok. Hanggang sa maisipang iligpit ang mga gamit na naiwang nakakalat sa aking maliit na lamesa. Habang isinasaayos ito, nakita ko ang isang tala-larawang nakalagay sa tabi ng isang maliit na pantalya na nagsisilbing liwanag sa silid-tulugan. Kinuha ko iyon at nahiga. Naisipang buksan at sa unang pagbuklat, bumungad sa aking paningin ang mga kupas na retratong naging saksi ng aking mga karanasan at wari'y nang- aaakit upang yakapin muli ang bakas ng kahapon.






BSE-RE Siena College



Mother Francisca Formation Institute For Religion Teachers and Catechists
Catechists and Youth Animators Don Bosco Tondo
May ngiting pinagmasdan ang mga ito. Lalong nagpuyos ang aking damdamin nang lumantad ang mga larawan ng mga kabataang nakasama at naging kabahagi ng aking paglilingkod sa ibat ibang parokya na aking pinagsilbihan. Hinaplos ko ang bawat retrato sabay pikit ng aking mga mata upang ang mga  ito'y gumuhit at magkabuhay sa aking isipan. Sa isang iglap, inilipad ako ng aking diwa sa nakaraan at naglakbay pabalik sa dati kong mundong kinalalagyan. Ang katahimikan ng gabi ay nag mistulang ingay sa aking pandinig. Muling napakinggan ang samu't saring sigawan at halakhakan na nagmumula sa tinig ng mga kabataan. Parang isang musika na idinuyan ako patungo sa alapaap upang malayang marinig ang himno ng kaligayahang walang puknat sa piling ng mga munting nilalang ng daigdig.

Isang malaking karangalan ang makapaglaan ng panahon at makahalubilo ang itinuturing na pundasyon at pag-asa ng ating bayan. Kung maaari lamang na ang kamay ng orasan ay huminto sa kanilang kapanahunan marahil magiging hudyat ito ng isang masaya at makinang na mundo. Hindi maiwasan na muling sariwain ang dahon ng aking kamusmusan.Tandang-tanda ko pa na yakag-yakag ako ng aking ina sa  simbahan ng Don Bosco sa lugar ng Tundo upang mag-aral ng katesismo. Nasa ikatlong baytang ako nang nagsimulang maging aktibo sa simbahan at dahil sa mga karanasang iyon umusbong ang aking hangarin na maglingkod sa mga kabataan at maging sa pagpapaunlad ng pamayanan. Naging aktibong lider sa Sangguniang Kabataan sa aming baranggay at naging kaisa ng Arkidiyosesis ng Maynila sa pagtuturo ng Katekesis sa bawat pampublikong paaralan. Pinatibay ang damdaming ito nang magkaroon  ng pagkakataon na makapag misyon sa mga kababayan nating ita sa Porac, Pampanga at sa  mga kapatid nating igorot sa Mt.Province. Ang pagiging isang “Youth Moderator”sa bawat parokyang aking napuntahan ay nakapag- iwan din nang bakas sa aking pagkatao. Hindi lamang ang simbahan ang naging sentro ng paglilingkod. Binigyang pansin ang komunidad at nag organisa ng mga programang makatutulong para rito.Pinangunahan ang pagsasagawa ng “Non Formal Education” sa mga  "out of school youth" sa  huling parokyang aking pinaglingkuran, ang  San Jose de Trozo sa Sta Cruz Maynila at nagsagawa ng iba't ibang  pangkabuhayang programa sa mga maralita, katuwang ang Caritas Manila.
                      Apostolate in Porac Pampanga








                                             Don Bosco Youth Center




 


                                San Jose De Trozo Youth Ministry

Sa pagmulat ng aking paningin, muling sinilip ang tala-larawan at sa pagkakataong ito namalas ang mga larawang nagpapakita ng aking pakikipagsapalaran dito sa bansang Kuwait. Bigla akong napaupo buhat sa pagkakahiga, malalim na napabuntung-hininga at napalitan nang lungkot ang mukhang kanina'y punong-puno nang sigla.Hindi naging madali para sa akin ang lisanin ang ating bayan at makipagsapalaran sa lugar ng mga banyaga. Mahirap mapawalay sa pamilyang naging karamay at sumuporta sa lahat ng aking mga desisyon. Mabigat sa kalooban na pansamantalang ihinto ang paglilingkod sa mga kabataan na halos tumagal ng labinlimang taon upang magbigay daan sa aking pansariling pangangailangan at paglago. Kung tutuusin, napaka simple lamang ang buhay ko noon, kahit maliit lang ang kita, ang mahalaga ay ang kasiyahang tinatamasa buhat sa aking  mga ginagawa. Bilang isang manggawang OFW hinarap ko ang ibat ibang pagsubok na humamon sa aking pagkatao. Ang pangungulila sa mga mahal sa buhay ang numero unong kalaban ng bawat Pilipinong nakikipagsapalaran sa ibayong dagat. Pinasan ko ang lahat nang  hirap na hindi man lamang naranasan noong ako ay nasa Pilipinas. May mga sandaling gusto ko nang sumuko sa labang ito, ngunit kapag naiisip ko ang aking pamilya at ang aking mga pangarap para sa mga kabataan may kakaibang lakas na nag uudyok sa akin para maipagpatuloy ang pakikibakang ito.






Mag- aapat na taon na simula  nang iwan  ko ang ating bayan at hindi naging madali para sa akin ang mamuhay sa lupain ng ibang tao.Kahit pagod at masyadong nakatutok sa trabaho, sinikap ko pa ring  magtayo ng tulay na mag-uugnay sa mga kabataan gamit ang modernong pamamaraan. Kahit ako ay nagsusunog ng kilay dito sa bansang Kuwait, nagbigay ako ng oras at panahon para maipagpatuloy ang aking paglilingkod sa mga kabataang maituturing na pag-asa at tunay na na magpapabago sa ating lipunan.

Aking pinagmasdan ang tala-larawan, hahayaan ko itong manatiling nakabukas sapagkat hindi pa ito ang tamang oras upang isara at itago sa baul ng nakaraan. Sa aking pagbabalik sa bansang aking sinilangan, bukod sa mga pasalubong para sa aking mga mahal na magulang at mga pamangkin, bitbit ko ang tala-larawang ito dala ang sulo na naglalagablab upang muling pagningasin ang init ng pagkauhaw sa pagtulong sa mga kabataang naging bahagi ng aking buhay. Ang tala-larawan ay madaragdagan sa aking muling pagbabalik. Maglalaan ng puwang upang isama ang mga paparating na karanasang magdudulot ng pagbabago sa aking sarili, sa aking pamilya at sa mga kabataan. Isisilang ang mga bagong larawan na pinanday ng makabagong kaisipan at dinalisay nang katatagan sa laban ng buhay. Sa mukha ng mga retratong mailalagay sa talaan, maaaninag ang mga katangiang naging puhunan ay ang aking  pakikipagsapalaran sa lupain ng mga banyaga. Mga larawang nagpapahayag ng pagsasakripisyo, katatagan, pagtitiwala sa kakayahan, pagmamahal sa sarili, sa pamilya, sa kabataan at pag-ibig sa bayan.


 Wala nang sasarap pa na manirahan sa bayang ating sinilangan kaya't saan  man  tayo naroon, darating ang araw na muli nating hahagkan ang lupang ating tinubuan. Dadamahin ang tamis ng pagbabalik sa bansang nagsilbing tahanan at naging tatak ng ating pagkakakilanlan bilang isang lahing Pilipino. Sa aking pagbabalik, sisimulang ipakita ang larawan nang pagsasakripisyo sa pamamagitan ng pagpundar ng isang  maliit na negosyo mula sa aking pinaghirapan bilang isang OFW. Ang bunga ng aking pinaghirapan ay matitikman ng aking pamilya na siyang pangunahing dahilan kung bakit ako ay nakipagsapalaran sa bansang Kuwait. Ang larawan nang kakayahan at pagtitiwala sa sarili ay ibabahagi  sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang pangkabataang teatro. Ang aking karanasan bilang tagapagsanay sa larangang ito ang magbubukas ng pintuan upang maipakita ng mga kabataan ang kanilang husay at galing sa larangan ng sining at kultura. Sa ganitong paraan ay aking maipagpapatuloy ang naudlot na pagtulong sa mga kabataan. Kaakibat ang panibagong simula, ibabahagi ko ang aking tala-larawan upang magsilbing halimbawa ang aral ng karanasan upang pamarisan ng mga pausbong na mga kabataan. Ipauunawa sa kanila na ang pagkamit ng tagumpay at pagbabago ay hindi lamang nakatuon sa usapin ng pangingibang bansa ng ilan sa ating mga kababayan. Hindi kinakailangang manilbhan sa ibang lupain upang makamtan ang hinahangad na pagbabago sapagkat maraming mga umalis ng Pilipinas ang umuuwing luhaan. Ang pagtitiwala sa kakayahan, pagsasakripisyo at pagiging matatag sa hamon ng buhay ang siyang tungkod ng bawat  manggagawang OFW na bumabalik sa ating bansa upang suungin ang daan tungo sa landas ng pagbabago.

         Muli kong inilipat sa ibang pahina ang aking tala-larawan at sa pagkakataong ito, hindi na retrato  ang aking nasaksihan kundi mga katagang hahamon sa lahat ng mga  mangagawang Pilipino na nagtatrabaho sa  iba't ibang panig ng mundo.
      
       
Ang akdang ito ay ang aking opisyal na entry sa  PEBA 2011 ( Nominee no.7 ) para sa OFW BLOGGERS DIVISION. Ang tema sa taong ito, "Akoy Magbabalik Hatid koy Pagbabago,  I Will Return I Will bring Change. ".
 Mabuhay po ang lahat ng OFW sa buong mundo. Maraming Salamat.

54 comments:

  1. salamat jairus... take care always bro.God bless!!

    ReplyDelete
  2. nice one,sayang ala tayo mga pics sa PAEZ that can include to your article...hehehe good job

    ReplyDelete
  3. Isang patunay na matatag ang kanyang adhikain na makatulong sa ating kababayan lalong lalo na sa mga kabataan na mapaayos ang takbo ng buhay at higit sa lahat mapalapit sa Diyos, Salamat kuya alam kong isa lang ako sa libo libong kabataang binigyan mo ng inspirasyon ^_^ - RENZ MABINI

    ReplyDelete
  4. wow! kuya poklong..that was a very inspiring blog. i can feel how lovely your heart is, ipagpatuloy mo ang nasimulan mo..keep inspiring people on your own way kahit malayo ka sa lupang sinilangan! =) God Bless! Long live Philippines ^_^ -ms.ayami

    ReplyDelete
  5. your ideas and thoughts in this blog inspires many people especially to the OFW's.
    reading this article enlighten us to be stiff and strong.
    SALAMAT SA INSPIRASYON KUYA!

    -blurry (:

    ReplyDelete
  6. magandang storya mo pre, very inspiring to all OFW, sanay magbigay aral din.

    good luck sa entry mo. thanks

    ReplyDelete
  7. salamat roy... gud luck din sa u...

    ReplyDelete
  8. nice kuya this article inspires many people... keep it up... isa kang ehemplo para sa mga kabataan and sa mga OFW... goodluck poh and God Bless

    ReplyDelete
  9. sana nga noh..d n kailangang mangibang bansa para magkaron ng succesful n buhay..


    goodluck kuya..
    hope for u to make it to the top!!

    PROUD TO BE A BOSCONIAN!!!!

    ReplyDelete
  10. GAling mu
    hnd lng sarili mu iniisip mu pati ibang tao at kapwa muh!!

    GUDLUCK!!

    ReplyDelete
  11. The best ang mga Essay moh utol wahahahahaha apiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiiir

    kyah Idol kitah eh hehehehe hanep ang BLOGs ehehehe

    paturoh ngah koh ng gnyan utol hehehehe parahng real lifr experiences hahahahahaha

    gud lak bro!!

    keeep it Up

    ReplyDelete
  12. KUYA RODEL RYT?remember me?this is jay...

    napakagaling ng kwento mo,at habang binabasa ko ito,parang may isang taong nagpaalaala sa kin ng nilalaman ng kwento.sa unang pagbukas ko nang pahina mo,hindi kita nakilala at namukhaan sa pic mo sa itaas, sa patuloy kong pagbabasa nang akda,tama nga ang nasa utak ikaw nga,ikaw si kuya rodel na nakilala ko noon.5 taon na ang nakalipas at ibinaon ko na din sa limot ang ndi magandang nangyring iyon.alam mo na iyon..

    ngayun,nakita ko ang pagsisikap mo sa lugar na iyan.magiingat ka jan kua.saludo ako sa akda mo,magaling.asahan mo ang boto ko.

    Goodluck sa lahok mong ito!
    Godbless!nice to see you here kua!

    ReplyDelete
  13. jay salamat, kaka touch naman sensya na rin sa nangyari, hayaan mo babawi ako pag nakauwi ako jan , katuwa naman at blogger ka rin pala heheehe ingat ka jan ah salamat sa suporta... mas saludo ako sa u dahil sa kabaitan mo at pang-unawa... salamat

    ReplyDelete
  14. naiyak naman ako kuya... salamat! andami kong naalalang masasayang karanasan. ang galing mo! mabuhAY ka!

    ReplyDelete
  15. ibang klase k talaga kulots hanggang jan sa ibang bansa dala dala mo p rin pagiging makata mo. congrats i like ur tala larawan.. pero bat ala ung mga picture natin bravery hehehehe god bless and tc :) 4b-98 :)

    ReplyDelete
  16. Kuya Rodel, salamat po sa pagbukas mo ng site na to, chance po sa amin para balikan ung mga magagandang experience na naramdaman namin nong bata pa. Sa akin po, ikaw ung nag-introduce sa akin sa simbahan, ung reason ko kung bakit mas maaus ung palaki sa akin, kung bakit mas malapit ako kay Lord. Ikaw ung isa sa mga dahilan kung bakit ako kung sino ako, kahit ndi ako perfect, alam ko pong maayos ako. alam ko kahit saan ka po makarating, you will leave a mark. through the net, mas madami pa maiinspire sau, marami kpa matutulungan and marami pa makakabasa ng mga gawa mo. stay nice and blessed po. salamat kuya.. =)

    ReplyDelete
  17. Sarap balikan ng ating nakaraan... maging mabuti o masama man ang naidulot sa atin. Di n atin matatangi na ang mga alaala na ito ang nagbibigay sa atin ng aral sa buhay. Salamat Kuya Rodel sa pagbibigay ng inspirasyon....

    ReplyDelete
  18. hello kuya rodel! we are so proud of you. it is a nice piece, continue inspiring many people. goodluck and God bless in your journey. c"

    ReplyDelete
  19. ANg galing mu jeiro iDOL d lng talga sarili mu ang iniisip mu!pati ibang mga tao.....two thumbs up!!

    ReplyDelete
  20. astig... ganyan nga ang mga OFW... astig... idol! :)

    ReplyDelete
  21. Oi kuya jaboli.. sayo ba ito.. naks. di na kita mareach.. grabe da' best yan tsaka yung friend nyang si kuya aris. marami ako natutunang dyan lalo pa-tungkol kay God. Miss na kita kuya.. salamat sa lahat, pare.

    ReplyDelete
  22. Nice blog Kuya Rodel Jaboli, it's a great opportunity for all of us that you have once touched our lives with all your teachings, on learning how to be good not only in theater but also in life. i will never forget all the memories, -Manes, of T.paez batch 2004-2005

    ReplyDelete
  23. naaalala ko mga praktis ntin nung high school masaya,...sarap balik-balikan;
    May kasabihan nga:
    "PRACTICE MAKE PERFECT!.....NOBODY WAS PERFECT....
    SO DON'T PRACTICE!".........LOL
    di ko makkalimutan yung mga araw n yun....tnx 4 that :)

    ReplyDelete
  24. nice and inspiring...

    i bid you and your entry... the best of luck.

    ReplyDelete
  25. marisa razel condeJuly 25, 2011 at 2:14 AM

    huhuhuhu kuya...ang ganda nmn ng gnwa u..im very inspire..i miss u n..ngaun naalala qoh 2loy ang mga times n lgi kang nndyn pra skin,at smn..thnks po s lht...naalala k p nung time n pnglitn u qko..iyk ako ng iyk pero ang sbi moh kya moh ako pnglitn dhil gs2 moh tumyo ako s srli kong paa..wag mhiya ilbs ang tuny n ako..slmt at nkilala kta at ngng prte k ng bhy ko....

    ReplyDelete
  26. wow, ang gamda ng blog mo..pwede maki kink sayo? here is my blog name. www.bebskys portal.blogspot.com.

    Tnx. GOD BLESS...

    ReplyDelete
  27. WOW!! Very inspiring. Maging ganyan din kaya ako same ng sa blog mo?" LOL

    ReplyDelete
  28. michael quitquitanAugust 2, 2011 at 7:05 AM

    ..thanks for this very inspiring story..maraming salamat kuya rodel sa mga naitulong mo samin noon..kung aalalahanin q ang aming nakaraan,.noon ay simpleng mga kabataan lng kami na ang nais lng ay makapaghanap ng mapagkakalilibangan sa buhay..ngunit sa aming paghahanap ay tinisod mo ang aming mga paa at nakilala ka..simpleng tawanan at ngiti ang unang ibinigay mo sa amin..ngunit ng naglaon ay luha at hirap ang naramdaman namin..ngunit sa mga luha at hirap na iyon ay nandun ang mga aral na dinadala namin sa ngaun..maraming salamat sau..sna'y ipagpatuloy mo ang pagtalisod sa mga kabataang tulad q..at bgyan ng saya at ngiti,.luha at pagod..at sa kalaunan ay aral na dadalhin sa panghabang buhay..maraming salamat RODEL JABOLI

    ReplyDelete
  29. michael salamat, nakakaiyak naman haiz.. miss ko na kau sa totoo lang.salamat at naging bahagi kau ng nakaraan ko... salamat malaki ang naitulong nyo sa akin, salamat

    ReplyDelete
  30. Kuya poklong bilib na bilib ako sayo.your writing is so meaningful and i believe anyone who can read your writing will be get inspired.

    ReplyDelete
  31. Ang muling pagbuklat sa nakaraang ala-ala....

    It such a great writing. I still admired those Rodel a.k.a. Poklong who inspire and teach me. I believe that wherever he is. He will fonder and grow. For he is born to transform social values the people especially the youth.

    ReplyDelete
  32. good luck sa entry mo. OFW din po ako. galing ng sinulat mo!

    ReplyDelete
  33. Nakakatuwang isipin na may katulad mong OFW na malaki ang naging papel sa pagtulong sa kabataan ng ating bayan. Nawa ay pagpalain ka pa sa iyong mabuting adhikain na pagtulong sa kapwa.

    ReplyDelete
  34. naka pag vote nako ahh haha!! ganda ng blog mo ser keep it up more writing dadalaw dalaw ako ri2

    ReplyDelete
  35. Ang galing mo kapatid. Talentadong Pinoy ka nga... Keep it up, Bro...!

    ReplyDelete
  36. napaka inspiring po ng inyong entry. Congrats po!

    ReplyDelete
  37. congrats ! kapatid...naka inspire ka ng maraming pinoy... keep up...

    ReplyDelete
  38. Kuya Rodel...nakakainspire po yung mga songs at message dito sa blogsite mo..namiss ko tuloy mga kapatid ko..ofw din sila..

    ReplyDelete
  39. dOne vOting poh.. nkalap q n din poh un entry nyO.. gudluck poh!!!... ^.^ qodbless..


    - vhan -

    ReplyDelete
  40. dOne vOting poh.. nkalap q n din poh un entry nyO.. gudluck poh!!!... ^.^ qodbless..


    - vhan -

    ReplyDelete
  41. Keep doing what you do, it is a worth while cause.
    -TC-

    ReplyDelete
  42. hi, poklong or rodel yur name ,, hanga ako sayo may tinatagoka palang talent hheeheheehe,,, nakaka inlove kasi yung mga madamdamin mong tula dun ,,,, basta keep this for all ,,,,,freind ko ate mo for long time ago ,,,,,
    -laila-

    ReplyDelete
  43. kuya pok, salamat at nagkakilala tayo dahil sa iyong obra at sa PEBA. Congratulations sa ating lahat at mabuhay ang lahat ng OFWs!

    ReplyDelete
  44. salamat sa lahat ng nagbigay ng komento rito... maraming maraming salamat sa inyo

    ReplyDelete
  45. tanyadsouza15@yahoo.comJanuary 10, 2012 at 1:48 PM

    san kana kuya poklong?nagtiwala ko ng boong boo sayo,nrespto kita pro isa ka palang mang luluko ang dami mong iniwan dito sa kuwait ng utang u.di kaba naawa sa akin pera yon ng kapatid ko papunta dito sa kuwait piro ginastos mo..makuncinsya ka sana sa ginagawa u sa akin alam u nman na ako lng ang ina asahan sa pamilya ko.isa kang mang luluko makarma ka sana....

    ReplyDelete
  46. tanyadsouza15@yahoo.comJanuary 11, 2012 at 1:45 PM

    rodel jaboli maawa kana man sa akin.ibalik u nman pera ko na kinuha u,54,ooo.piso.di mo lng alam kng pano ko nag hirap pra lng may magastos ko para sa kapatid ko papunta di2 sa kuwait..nag hanap ko sayo dina kita makita at makausap tinawagan kita sa cell u nag close yon pala andyan kana sa pinas...makuncinsya ka sana....

    ReplyDelete
  47. kong gaano ka kagaling gumawa ng tula ganon ka din ka galing mangluluko sa kapwa u..mahiya ka sana sa sarili u..kinuha mo ang loob ko para maniwala sa lahat ng mga sinasabi mo sa akin.yon pala lulukuhin u lng ko. del 54,000 pisos malaking halag yon para sa akin at para sa pamilya ko,sana makuncinsya ka kahit kunti.

    ReplyDelete
  48. Respect and that i have a tremendous proposal: Is It Good To Buy Old House And Renovate split level house remodel

    ReplyDelete